- 歌詞
- アルバムリスト
Truefaith( True Faith )
-
Sa Puso Ko
Dapat nga bang sundin itong bulong ng damdamin O, talinong nakamit, ito'y pinipilit Huwag sumuot sa alanganin
REFRAIN 1 Ang isa'y sinasabi Sundin lang siyang palagi, takot ilagay sa isang tabi Tuktok ay sumasakit Dahil iginigiit na huwag kang mabulag sa pag-ibig
CHORUS 1 (Sa isip ko) Ay walang nakakasilip (Sa puso ko) Ay mayrong nagsasabi
もっと沢山の歌詞は ※ Mojim.com
Ang payo ng ulo ay praktikal sa suliranin 'Huwag kang padadala sa tibok na iyong dala Buksan na ang iyong mata'
REFRAIN 2 Ngunit hindi patatalo Ang puso'y may pambato, labis na pag-ibig Maski anong panganib Hinding-hindi sasanib sa utak na duwag at bingi
[Repeat CHORUS 1]
REFRAIN 3 O, Diyos kong Maykapal Ako nga ba ay hangal, masama ba ang magmahal Dahil hindi na uurong Ang pusong umuugong ng pagsambang walang kapalit
CHORUS 2 (Sa puso ko) Isa lang ang sinasabi (Sa puso ko) Ikaw ang nagmamay-ari (Sa puso ko) Isa lang ang sinasabi (Sa puso ko) Ikaw lang ang nagmamay-ari (Sa puso ko) Isa lang ang sinasabi (Sa puso ko) Oh, ikaw lang sa puso ko
-
|